Pokwang Nagmumukhang Stalker Ni Lee O'Brian Sey Ni Manay Lolit!

Martes, Abril 4, 2023

/ by Lovely


Hindi na nakapagtimpi ang veteran showbiz columnist na si Manay Lolit Solis sa mga pasaring ng komedyanteng si Pokwang laban sa dating kinakasama nitong si Lee O'Brian.


Matatandaan na ilang buwan na rin ang nakakalipas nang simulan ni Pokwang ang kanyang pagbabahagi ng mga pagkukulang ni Lee sa kanilang pamilya habang sila ay nagkakasama pa.


Kamakailan lamang ay inilabas ni Pokwang ang isang balita na umano'y may nakakandong na waitress kay Lee sa isang bar sa BGC.


“Susme e ano naman kung may naka kandong na waitress sa kanya dyan sa isang mexican bar sa bgc? hayaan nyo sya masaya sya dahil sa wakas natagpuan na nya pangarap nyang babae at deserve nya yan yeheeeyy congratulations po,” tweet ni Pokwang.


Dito ay tila hindi na nakapagtimpi pa si Lolit Solis at hayagan nang sinaway si Pokwang.


“Talagang lahat ng nangyayari sa Ex ni Pokwang alam na alam nito, Salve. Naisip ko tuloy baka naman may something pa si Pokwang sa Ex niya at ayaw pa niyang dedma na lang. Kasi nga pag gusto mo move on, totally ayaw mo ng anything to do sa nakaraan mo.”


Dagdag pa ng kolumnista, “Pero sa case ni Pokwang pati bagong GF ng Ex alam niya. Para bang ang lumalabas ang stalker sa kanilang dalawa si Pokwang dahil lahat ng bagay nalalaman niya.”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo