Kilalang Online Seller Na Si Jelyn Dablo, Pum@naw Na!

Linggo, Abril 9, 2023

/ by Lovely


 Pumanaw na ang sikat na online seller na si Jelyn Dablo matapos ang kanyang 5 taong pakikipaglaban sa cancer nitong Abril 7, 2023.


Agad namang nagpaabot ng mensahe ng pakikiramay ang ilang mga netizens para sa naulilang pamilya ni Jelyn Dablo.


“I LOVE YOU MY WIFE ALAM KO NASA TABI KANA NI JESUS WALA na lahat ng Pain Wala ng Suffering Wala ng Iyak at sakit."


"SALAMAT SA PAGMAMAHAL AT PAG TYAGA SAAKIN Magkikita din tayo Gabayan mo ako lagi Sa tabi ka na ni Papa Jesus makakapag pahinga kna I Love you My Love My Life My Lady My One My Life Time Kaya lang na una ka Sabi mo sabay,” pahayag ng asawa ni Jelyn.


Matatandaang nito lamang 2022, inamin niya ang kanyang mga followers ang kanyang kalagayan gayunman hindi niya kinalimutang magbigay ng inspirasyon sa lahat sa gitna ng mga pagsubok na kanyang hinarap.


Taong 2018, nadiagnose siya na mayroon endometrial cancer dahil kanyang stress sa trabaho at bad eating habits.


Sa kabila ng kanyang kalagayan, pinilit pa rin niyang magtrabaho para makaipon sakaling dumating ang worst case scenario.


Ibinunyag din niya na nagpasya siyang uminom ng herbal at food supplements sa halip na magpagamot sa mga professional doctors.


Sa gitna ng kanyang kalagayan noon nag-iwan siya ng payo at natutunang aral para sa lahat.


“Kaya ikaw na sa tingin mo hindi mo pa naman nalagpasan ang nangyare o nangyayare saken ngayon at mga nawala saken, pls lang wag mo e stress ang sarili mo dahil baka yan pa dahilan na magkaroon ka ng sakit. lahat tayo may cancer cells pls lang ingatan mo sarili mo at wag mong pabayaan.”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo