Xian Lim itinangging may ‘something’ sila ni Ashley Ortega

Sabado, Marso 11, 2023

/ by Sparkle

 


Nilinaw ng Kapuso actor na si Xian Lim ang kumakalat sa social media na palihim silang nagkikita ng aktres na si Ashley Ortega.


May kumakalat na tsismis sa social media na palihim umano silang nagkikita at kasama rin ang kanilang figure skating coach na si Ronan Capili.


“Matagal na kitang pinagmamasdan at inoobserbahan. Madaming balita mismo galing gma ang nakakarating sa akin na ikaw mismo ang kumukunsinti dyan kay Xian Lim at Ashley Ortega at sa lihim na relasyon nila.




“Coach ka na din pala ng panloloko ngayon. Paano mo naatim na tulungan ang Xian Lim na yan na lokohin si Kim? Paano mo nagawang maging daan para patagong magkita yan si Xian Lim at Ashley Ortega na yan at lokohin si Kim? Wag sana kumita yan show niyo, mga manloloko,” ito ang akusasyon ng netizen sa figure skating coach.


“The coach that you’re talking about is Coach Ronan, my coach since I started being on ice.


“Since day one, siya talaga ang naka-witness ng paghulog ko. And Coach Anna Bermudez, she’s here. She’s our consultant for Hearts on Ice,” pagbabahagi ni Xian.




Posibleng nakita ng netizens na magkasama sila ni Ashley tuwing may training at taping kaya naisip nila na may something sila.


“So, wala, e, public. Public yung skating rink. Hindi naman namin puwedeng ipasara kahit gusto namin for safety rin, baka makasagasa kami ng mga bata. So, we’re skating in public. So yung mga emote-emote namin nakikita ng public.


“Siyempre, nagtataka sila, ‘Bakit yung dalawa, nag-e-emote-emote rito?’ I think, that’s where it came from. And unlikely na sabihan nila is si Coach Ronan,” pagpapaliwanag ni Xian.




Ipinadala daw sa kanya ni Coach Ronan, na siyang namamahala sa choreo ni Ashley, ang mga screenshot ng mga mensahe ng galit na fans.


Siniguro din ng aktor na magkatrabaho lang talaga sila ni Ashley para tumahimik ang publiko.


Chika naman ni Ashley, “Kami ni Xian, we’re just friends. Siyempre, nakakatanggap din ako ng mga ganyang ano, almost every single day, pero dedma na lang ako.”

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo