Nagsabi Lamang Siya Diumano Ng Totoo Sa Kanyang Naranasan Sa Abs-cbn!

Sabado, Marso 11, 2023

/ by Sparkle

 


Ipinalabas sa GMA-7 ang panayam ng dating Kapamilya actress na si Liza Soberano kay Boy Abunda. Ito ay para sagutin ni Liza ang mga isyung ibinabato sa kanya matapos niyang ilabas ang kanyang pahayag kung bakit siya umalis sa Kapamilya network.


Sa nasabing panayam, kinontra ni Liza ang sinabi ng iba as misjudgment sa kanya. Paliwanag ni Liza, hindi niya intensyon na balewalain ang mga taong tumulong sa kanya para magkaroon ng magandang buhay.


Sa kabila nito, sinabi rin ni Liza na hindi na niya babawiin ang sinabi niya sa kanyang vlog dahil nag-enumerate lang siya ng mga katotohanan ng mga pinagdaanan niya sa kanyang showbiz career.




Ang hindi naipaliwanag ni Liza sa kanyang vlog ay ang kanyang pahayag ngayon na hindi buo ang kanyang puso nang pumasok siya sa showbiz noong 2013.


Sa bahagi ng kanyang mga pahayag mula sa panayam, sinabi niya, "Me, for me, I was just stating facts. Everything that I brought down, I was literally just saying na I started as a child so hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na maggrow into myself as an adult."


"I didn't get to experience things that normal kids get to experience because I started at an early age. Hindi po normal yun. But I'm sure a lot of people can relate. Maraming bata ang napilitang magtrabaho ng maaga para maging breadwinner ng mga pamilya nila."




"And that's what exactly happened with me. Hindi ko pangarap mag-artista. I had to be an artista para makapag-aral ang sarili ko, para mapag-aral ko kapatid ko, para mabuhay ko yung family ko. I think that's one thing na hindi alam ng maraming tao."


"I think that the issue na gusto kong maging artista ever since I was a kid which is not true. Thus, it came from me, a necessity, I needed to make money for my family."

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo