Xian Lim at Kim Chiu Naglabas Nang Resibo sa Kasalukuyang Estado ng Kanilang Relasyon Sa Gitna Ng Cheating Isyu!

Lunes, Marso 6, 2023

/ by Lovely


 Sa gitna ng isyung pangloloko ni Xian Lim sa kanyang nobyang si Kim Chiu, tila naglabas na ang dalawa ng resibo na siyang magpapatunay sa kasalukuyang kalagayan ng kanilang relasyon.


Matatandaan na pumutok ang isyung pangangaliwa ni Xian Lim matapos ilang beses na makita ng ilang netizens na magkasama pa rin sila ng kanyang leading lady ngayon na si Ashley Ortega kahit tapos na ang taping.


Bagama't nagsalita na sina Ashley Ortega at Xian Lim na wala talagang namamagitan sa kanilang dalawa, marami pa rin sa mga netizens ang naghinalang baka katulad kay Paolo Contis at Yen Santos ay in-denial pa umano sa una.


Subalit, nito lamang ay ibinahagi ng aktres na si Kim Chiu ang sweet photo nila ni Xian kung saan makikitang tila wala naman silang problema.



Tila ito na ang sagot ni Kim sa mga intriga na nagsasabing on the rocks ang kanilang relasyon.


Ibinahagi pa ni Kim ang video kung saan nakasama siya sa birthday dinner ng lola ni Xian.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo