Boy Abunda Sinabing Peke Ang Kumakalat Na Poster Ng Wow Bulaga!

Lunes, Marso 6, 2023

/ by Lovely


 Kamakailan ay tinalakay ni Boy Abunda ang kumakalat na poster ng “Wow Bulaga,”na siyang palabas na diumano ay papalit sa “Eat Bulaga.” 


Sa segment na "For Today's Talk" ng "Fast Talk with Boy Abunda," ipinakita ni Boy ang poster na nagsasabing ito ay iho-host nina Willie Revillame, Allan K, Bretman Rock, Jose Manalo, Wally Bayola at Miguel Tanfelix, Tyronia Fowler at Rosmar Tan.


“May lumabas po na poster na ang title diumano ng palabas na papalit sa 'Eat Bulaga' ay 'Wow Bulaga' starring Mr. Willie Revillame, kasama ni Bretman Rock, andiyan si Allan K, and then Wally and Jose are also there, and Miguel Tanfelix,” saad ni Boy Abunda.


Dagdag pa niya, “Nais lamang sabihin ng aming source, isang mapagkakatiwalaang source po dito sa GMA-7 that this poster is not true. This is a fake poster, 'yun ang pagkakasabi. Hindi po ito totoo.”


Kaya naman payo ni Tito Boy na hintayin na lamang ang official statement ng GMA at Eat Bulaga hinggil sa totoong estado ng Eat Bulaga ngayon.


“At hindi rin natin maitatatwa, ako personal, I wanna make a stand, merong pinagdaraanang challenges ang 'Eat Bulaga' pero antayin po natin ang kanilang official statement. Ang official statement po ng GMA-7, ng 'Eat Bulaga' para malaman ho natin ang buong kwento, ang katotohanan para we can stop speculating.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo