Maegan Aguilar Anak Ni Freddie Aguilar Nag Labas Ng Galit Kina Raffy Tulfo at Magulang!

Lunes, Marso 6, 2023

/ by Lovely


 Nagbahagi ng isang post si Maegan Aguilar kung saan ipinahayag niya ang kanyang pagkadismaya sa kanyang mga magulang at kay Sen. Raffy Tulfo dahil umurong ito sa pagtulong sa kanila.


Maging ang karapatan sa paglapit man lamang sa kanyang mga labi sakaling siya ay pumanaw ay tinanggal na rin ni Maegan sa kanyang mga magulang at kapatid.


Labis labis ang pagkadismaya ni Maegan Aguilar dahil naudlot ang pagtulong sa kanila ni Sen. Raffy Tulfo matapos lumabas sa resulta ng Drugtest na positibo siyang gumagamit ng shabu.


Ayon sa panibagong kondisyon ni Raffy Tulfo kailangan munang magparehab ni Maegan at ayusin ang kanyang sarili bago maibigay ng Senator ang tulong na ipinangako niya noon.


Labis naman na nagulat ang mga netizens matapos ibahagi ni Maegan na bawal nang hawakan ng kanyang mga magulang maski ang kanyang mga labi dahil magpapakamatay na umano siya.


May ibinahagi pa siyang Facebook live kung saan nagbanta siyang tatalon sa mula sa mataas na gusali dahil sa pagtanggi ni Sen. Raffy sa pagtulong sa kanya.


Tahasan din niyang ipinahayag sa isang social media post ang kanyang pagkadismaya sa programa dahil hindi man lamang umano inalam ng mga ito ang root cause kung bakit siya nagpositibo sa shabu.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo