Xian Gaza, Dinipensahan Ang Viral Nanay Ng Eat Bulaga!

Biyernes, Marso 10, 2023

/ by Lovely


Mabilis na naging trending ang batang ina na isa sa mga guest ng noontime show na Eat Bulaga sa segment na Bawal Judgemental.


Kaagad rin umani ng samu't-saring opinyon at komento mula sa mga netizens ang bitiwan nitong mensahe para sa kanyang anak na pitong taong gulang pa lamang.


Ayon kasi sa batang ginang na nais niyang magsumikap ang kanyang anak dahil ito na lamang ang pag-asa nilang makaahon sa hirap.


Agad namang nakatanggap ng mga negatibong komento ang ginang. Ipinunto ng iba na hindi magandang iasa sa mga anak ang pag-ahon sa kahirapan.


Subalit tila iba naman ang opinyon at saloobin ni Xian Gaza sa pahayag ng ina, dinipensahan din niya ito. Ayon kay Xian hindi masisisi ang ina sa ganoong pag-iisip.


"Stop bashing that viral Nanay from Eat Bulaga. Ganu'n siya pinalaki ng magulang niya. Lahat ng tao sa paligid niya ay gano'n ang mindset. Nakakulong sila sa mundo ng poverty. She's representing millions of Filipino parents. Imulat natin sila," saad ni Xian.


Samantala, hindi rin napigilan ni Maine Mendoza na payuhan ang ang naturang ina.


 Aniya, bata pa naman ang mag-asawa at marami pang oportunidad na maaring makuha upang sila mismo ang siyang maging dahilan para maiahon sa kahirapan ang kanilang nabuong pamilya.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo