Supalpal! Si Maegan Kay Idol Raffy Tulfo Sa Kanyang Post Na Pang Babastos Sa Social Media!

Biyernes, Marso 10, 2023

/ by Lovely


 Agad na sinupalpal ng ilang mga netizens si Maegan Aguilar matapos nitong maglabas ng hinanakit kay Sen. Raffy Tulfo matapos iatras nito ang ipinangakong tulong sa kanya.


Ayon sa inilabas na video ni Maegan na hindi na umano niya kailangan ang tulong ni Sen. Raffy Tulfo lalo pa't hindi umano ito marunong makinig at maniwala sa kanya.


Matatandaan na dahil positibo si Maegan sa drugtest ay nais muna ng Senador na magparehab si Maegan at saka nalang ibubuhos ang tulong nito kung lubusan na ito maayos.


Subalit pinagdidiinan ni Maegan na hindi niya kailangan ang magparehab dahil hindi naman umano siya adik.


Kaya naman, marami sa mga netizens ang hindi nakapagtimpi rito at naglabas na sila ng saloobin at sinupalpal na si Maegan sa kawalang hiyaan umano nito.


Hindi rin umano tama na iasa na lamang niya ang lahat sa tulong ng ibang tao. Mali rin magalit umano ito kay Raffy Tulfo dahil tinulungan naman siya nito.


Pagpupunto pa ng iba na kung hindi sana siya nagpositibo ay tutulungan naman siya ng Senador. Kaya hindi umano dapat na isisi pa niya rito na hindi siya natulungan.


"She just cant accept that she needs help."


"She’s in bad shape, poor girl someone who genuinely care for her should take her to rehab/counselling 0f some sort. She clearly needs medical intervention."


"Magbanat ka ng buto at wag umasa sa tulong,mas madami pang taong deserve tulungan ni Sen. Tulfo."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo