Willie Revillame, Tinalakan Ang Nagkamaling VJ Sa Kanyang Show!

Linggo, Marso 26, 2023

/ by Lovely


 Nag-viral muli sa social media ang television host at businessman na si Willie Revillame matapos ma-upload sa social media ang isang video kung saan tinalakan niya at pinagmumura ang kanilang VJ.


Nangyari ang nasabing insidente sa GMA show ni Revillame na ‘Tutok to Win’ na nahinto na ngayon.


Sa nasabing episode, makikita si Revillame na kumanta ng ‘Bakit Ngayon Ka Lang’ na orihinal na kinanta nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez.


Samantala, maririnig sa background na namali ang VJ at naiplay sa background ang boo na siyang ikinagalit naman ni Wille Revillame.


“Anong boo g*go!” sigaw ni Willie sa kanilang VJ.


Tinanggal pa ni Willie ang kanyang mic at tinalakan ng tinalakan ang nasabing VJ.


Gayunpaman sa huli ay natawa na lamang si Willie sa pagkakamali ng VJ.


"Dubidubidapdap nalang kasi dapat"


"Pangit na nga boses, pangit pa ugali."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo