Rendon Labador Pinagbenta Ng Ticket Ang Vocalista Ng Lily!

Linggo, Marso 26, 2023

/ by Lovely


 Tinawag ng Lily band vocalist na si Joshua Bulot ang motivational speaker na si Rendon Labador para sa pagbebenta niya ng mga ticket para sa opening event ng Episode Bar + Kitchen EP.


Matatandaang nagpahayag ng pagkadismaya si Labador dahil sa mababang bentahan ng ticket sa naturang event na ayon sa kanya ay nagkakahalaga ng 1.2-M pesos.


“No ticket sales today, mamaya na ang grand opening event ng @episodebarandkitchen kahit isa wala pang bumibili. Coco fans, wala sanang personal. Pinag lalaban ko lang naman ang vendors,” pahayag ni Rendor.


Iniugnay ng ilang netizens ang mababang ticket sales ng negosyo ni Labador ay dahil sa negatibong publicity natanggap niya matapos punahin ang mga tao sa likod ng FPJ’s Batang Quiapo.


Noong March 25, nag-post si Bulot ng kanyang reklamo kay Labador dahil sa pagbibigay sa kanya ng isang gawain na hindi nauugnay sa kanyang trabaho bilang isang band vocalist.


“Medyo disappointed lang ako kay Rendon Labador kasi tutugtog kami doon as Lily pero ngayon pinapabenta niya ko ng ticket,” pahayag ng vocalist.


“Gusto niya pa doon sa tapat ng bar niya, magbenta ako doon, mamigay ako doon ng mga flyers doon and hindi naman namin trabaho ‘yun as lily, kakanta lang kami doon, hindi namin trabaho na magbenta ng ticket,” dagdag pa nito.


Gayunpaman, naging palaisipan sa mga netizens kung seryoso nga ba ang vocalista sa kanyang pahayag o kung sinadya lamang nito para makakuha ng publicity.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo