Face To Face Show Ni Karla Estrada Papalitan Ang Tropang LOL!

Linggo, Marso 26, 2023

/ by Lovely


 Kumpirmado na ang pagtatapos ng noontime show na Tropang LOL upang bigyang daan ang pagbabalik ng show na Face to Face na i-hohost ni Karla Estrada.


Kinumpirma ito sa showbiz vlog ng showbiz insider na si Ogie Diaz. Ayon sa kay Ogie pinulong na umano ang mga staff at host ng Tropang LOL upang ipaalam sa mga ito ang last taping day at final airing ng kanilang show.


“Ayun na nga, kasi nga confirmed na nga na magpapaalam na sa ere. Kasi nga nu’ng March 23, bago magsimula ‘yung taping ng kanilang cycle ng ‘LOL’ ay ‘yun nga, pinulong ng representative nung producer ‘yung buong cast ng ‘LOL’.”


Nalulungkot din umano ang showbiz insider sa mga staff na mawawalan ng trabaho.


“Sa totoo lang, nakakalungkot kasi nga, sabi ko nga, ‘yung mga ABS-CBN production staff na karamihan ay nagtatrabaho doon sa LOL ay siyempre maghahanap na naman ng trabaho.”


Samantala, may kumakalat na balitang ang It's Showtime talaga ang papalit sa timeslot ng Tropang LOL at hindi Face To Face.


Matatandaan na sumikat ang Face to Face noong ipinalabas ito noong 2010 hanggang 2013.


Si Amy Perez ang original host nito na kilala ngayon bilang Tiyang Amy ng kanyang mga fans.


Matatandaang nag-viral kamakailan ang nasabing talk show matapos hilingin ng ilang netizens na ibalik ito dahil sa maaksyong content nito.


Hindi maitago ng mga netizens ang kanilang excitement na muling mapanood ang Face To Face na naging isa sa mga top-rating na show noon.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo