Vice Ganda Pinataob Sina Alex Gonzaga, Billy Crawford at Matteo Guidicelli!

Linggo, Marso 26, 2023

/ by Lovely


 Kumakalat ngayon sa iba't-ibang social media platforms ang napipintong pagkakatigil ng noontime show na Tropang LOL.


Ayon sa mga ulat, magaganap ngayong March 29 ang last taping ng Tropang LOL huling mapapanood naman ito sa darating na April 29, 2023.


Isa itong malungkot na balita para sa lahat dahil maraming mga empleyado ang mawawalan ng trabaho, matatandaang maging ang noontime show na Eat Bulaga ay nasa alanganin ding posisyon sa panahong ito dahil sa internal conflict.


Dahil sa kaganapang ito, hindi naman maiwasang intrigahin ng kibitzers na pinataob o pinatiklop diumano ni Vice Ganda ng “It’s Showtime” sina Alex ,Billy, Matteo at Bayani ng”Tropang LOL” sa kanilang rat race.


Pagpupunto pa ng ilan, nananatiling matibay raw ang show ng Unkabogable star kahit pa walang prangkisa ang network nito. 


Matatandaang noong nawalan ng prangkisa ang ABS-CBN, lumipat ng network sina Alex Gonzaga, Billy Crawford, Bayani Agbayani, Matteo Guidicelli at Direk Bobet Vidanes.


Nagdulot ito ng mga bangayan at pasaringan na nahinto lamang nang maging pre-programming ng It's Showtime ang Tropang LOL.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo