Vanessa Hudgens Dumating Na Sa Bansa!

Linggo, Marso 26, 2023

/ by Lovely


 Dumating na sa bansa ang Fil-Am actress na si Vanessa Hudgens para sa kanyang travel documentary tungkol sa kanyang pamilya na isho-shoot dito sa bansa.


Isang Pilipina ang ina ni Vanessa kaya kahit pa sa Amerika siya ipinanganak nais pa rin niya kilalanin ang kanyang pagiging Pilipino.


Sa mga larawan na ibinahagi ng Publicity Asia, dumating sa bansa si Hudgens na nakasuot ng white sleeveless top at khaki pants.


“FilAm Hollywood Star @vanessahudgens arrives in Manila via Philippine Airlines from Los Angeles,” saad sa Instagram post nito.


Agad namang bumuhos ang mga excited comments ng mga fans na nagnanais na makita ang musical actress sa personal.


"Pa fan sign"


"My OG favorite girl 🥺 @vanessahudgens"

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo