Vice Ganda May Nakakaintrigang Joke Kina Ogie Diaz at Liza Soberano!

Linggo, Marso 19, 2023

/ by Lovely


 Bagama't hindi na ganoong pinag-uusapan ang isyu ni Liza Soberano at ang mga isiniwalat niya pahayag, naglabas ng isang biro si Vice Ganda hinggil kina Ogei Diaz at Liza.


Kasunod ng “This Is Me” vlog ni Liza Soberano, lumabas ang samu't-saring isyu. Nadawit pa rito ang kanyang dating management at ang kanyang dating manager na si Ogie Diaz na patuloy na sinasagot ang kanyang mga pahayag dahil naba-bash na rin.


Ayon kay Ogie Diaz, kailangan niyang ipaliwanag ang kanyang side para maintindihan ng mga tao at hindi siya husgahan nang mabilis. Pero iba ang interpretasyon ni Liza dito.


Para sa kay Liza, ang mga pahayag ni Ogie Diaz ay pagkalaban at pagsira sa kanya. Ngunit walang sawang nililinaw ni Diaz na hindi siya nagsasabi ng anumang negatibo tungkol sa aktres dahil talagang binabati niya ito sa kanyang bagong karera.


Bagama't humuhupa na ang isyu ng dalawa, naglabas pa rin ng biro ang It's Showtime host na si Vice Ganda hinggil sa nasabing isyu nina Ogie at Liza.


“Kasi as a manager, ayokong dumating ang araw na mag-uusap na lang tayo sa social media. At ayokong dumating ang araw na mararamdaman kong hindi ka pala happy.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo