Rob Mananquil, May Nakakagulat Na Life Update Matapos Umalis Sa Bahay!

Linggo, Marso 19, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa social media ang ibinahaging life update ng dating asawa ni Maxene Magalona na si Rob Mananquil.


Ayon sa pagbabahagi ni Rob, tatlong buwan siyang nanatili sa bahay ng mga magulang simula pa noong Pasko, nakaraang taon dahil nais umano niyang bumawi sa kaniyang pamilya, matapos na hindi makapasyal sa kanila dulot ng pandemya.


Subalit nang umuwi na raw si Rob sa kaniyang sariling bahay, nagulat siya sa kaniyang nakita. Nagkalat sa loob ng bahay, may mga gamit pang nawawala, at higit sa lahat, may mga droga pa.


Nangangako naman si Rob na magbibigay siya ng update soon, kapag napag-alaman na nya kung sino ang pumasok sa kanyang bahay.


Agad naman umani ng samu't-saring reaction mula sa mga netizens ang nasabing life update ni Rob.


May nagpupunto pa na kung sino ang may access sa bahay ay siyang salarin.


Matatandaan na ibinahagi ni Maxene Magalona ang kanyang pag-pack dahil umalis na ito sa bahay nila ni Rob. Makikita pa sa videong ibinahagi nito na malinis naman ang bahay.


“I’m pretty sure he has cctv, so good luck finding the culprit.”


“Sino ang culprit? Naku, popcorn please!”


“Di ba nag-post si ex wifey na nag-pack ng things niya para mag move-out. Ang linis nga puro boxes. May insider siguro dyan.”


Samantala, hindi pa naman nagbibigay ng panibagong update si Rob kung sino ang tumira sa kanyang bahay habang wala siya.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo