Binalikan Ng Netizens Ang Biruan Nina Iza Calzado at Nadine Lustre Tungkol Sa Pang-Aagaw Kay ‘James’

Linggo, Marso 19, 2023

/ by Lovely


 Sa gitna ng kontrobersyal na pag-amin nina James Reid at Issa Pressman sa kanilang relasyon, muling binalikan ng ilang mga netizens ang biruan noon nina Iza Calzado at Nadine Lustre tungkol sa pang-aagaw kay James.


Bagama't matagal nang hiwalay sina James Reid at Nadine Lustre binabalikan pa rin ng ilang mga fans ang dahilan ng kanilang hiwalayan noon na si Issa Pressman umano.


Agad naman itong pinabulaanan ni James at Issa subalit, malakas pa rin ang kutob ng mga netizens na ito talaga ang nangyari base na rin sa kumakalat na mga larawan at videos noon nina Issa at James.


Maging ang biruan noon nina Nadine Lustre at Iza Calzado sa show ni Tim noong 2020 ay hindi nakaligtas sa mga mapanuring netizen.


“Bago tayo magseryoso ha, may gusto lang akong i-address dito. Klaro ko lang ah. Let’s just get the elephant in the room like just out of the way. Nadine, I’m sorry. I’m sorry for stealing James,” biro ni Iza kay Nadine.


Sinundan naman ito ni Iza ng, "char" indikasyon na nagbibiro lamang ito.


“Wrong Issa! Wrong Issa!” natatawang sagot naman ni Nadine.


Dahil nga sa biruang ito ng dalawa mas lumakas ang kutob ng mga netizens na si Issa nga ang naging dahilan ng paghihiwalay noon ni James at Nadine. 


Matatandaan na bago pa man aminin ng dalawa ang kanilang hiwalayan ilang beses nang namataan ang pagiging sweet nina Issa at James kapag wala si Nadine o di kaya'y kapag nakatalikod ito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo