Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon Tatanggalin Sa Eat Bulaga!

Biyernes, Marso 3, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa social media ang pagkakaroon ng internal conflict sa ang longest-running noontime show na Eat Bulaga  dahil diumano ay gustong patalsikin ni Romy Jalosjos ang kanyang business partner na si Tony Tuviera, kasama ang pioneer hosts na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon.


Ang noontime show na kasalukuyang ipinapalabas sa GMA ay naging isang institusyon sa kasaysayan ng telebisyon sa Pilipinas. 


Sa mahigit apat na dekada ay patuloy itong nagbibigay ng tawanan at libangan sa maraming Pilipino.


Gayunpaman, may isang haka-haka na nadala ng pangamba sa mga avid viewers ng show. 


Ibinunyag ng isang source na gustong i-take over ni Romy Jaloslos ang Television and Production Exponent (TAPE) mula sa kanyang partner na si Antonio “Tony” Tuviera.


“Jalosjos wants to kick Tuviera and TVJ out of the show. He just waited to Tito to get out of politics before launching his takeover bid,” pahayag ng isang source.


Ibinunyag din ng source na sinusubukan ni Jalosjos na gawin ang “divide and conquer” strategy sa pamamagitan ng pagkumbinsi sa mga komedyante na sina Jose Manalo, Wally Bayola, at Allan K na palitan ang senior hosts. 


Nais din umano ni Jalosjos na palitan ng anak niya si Maine Mendoza.


Dagdag pa ng source, nitong March 2, nagkaroon ng emergency meeting sina Tuviera, TVJ, at iba pang hosts ng Eat Bulaga para planuhin ang kanilang hakbang hinggil sa intensyon ni Jalosjos na pumalit.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo