Sinagot Na Ni Ogie Si Liza Soberano

Huwebes, Marso 16, 2023

/ by Jerome

 

Nagsalita na rin sa wakas ang talent manager na sa Ogie Diaz kaugnay sa mga naging pahayag ni Liza Soberano sa programa ni Boy Abunda na Fast Talk.


Ito ay tungkol sa commission sa totoong hatian ng talent fee ni Liza at sinabi din ni Ogie Diaz na mayroong sariling road manager ang actress na binabayaran daw umano ni Ogie ng sarili nitong pero.


Ipinahayag ni Ogie na 20% ang sa kanya 7% naman kay Tita Joni at 10% ang sa Star Magic, ito ang mga naging hatian nila sa commission kay Liza.


Sinagot din ng dating talent manager ni Liza ang tungkol na hindi daw siya pumupunta sa set.


Bumibisita naman daw siya sa bawat taping ng actress at ang ilan nga sa mga nabanggit nito ay ang taping ng Forevermore, na ang taping pa ay sa Benguet at ang huling teleserye ng actress na Make it With You.


Ayon pa kay Ogie na wala naman umano siyang sinabi na hindi siya tumatanggap ng commission.


Nagpapadala nga daw umano itong si Ogie Diaz ng text message kay Liza sa pag-aakalang na hack ang social media account nito ngunit hindi na daw siya nireplyan ng actress.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo