Biro Ni Michael Pangilinan Sa School Concert, Inalmahan Ng Mga Netizens!

Huwebes, Marso 16, 2023

/ by Lovely


 Hindi nagustuhan ng mga netizen ang pabirong intro ng singer na si Michael Pangilinan sa isang babaeng dumalo sa isang school concert kung saan naimbitahan siyang mag-perform.


Ayon sa tweet ng isang netizen, nagulat raw siya sa sinabi ni Michael sa isang female audience na pinaakyat niya sa stage bago siya nagperform.


“Ang sh*t ng intro ni Michael Pangilinan sa concert dito sa dlsud!” tweet ng netizen.


“So before siya kumanta, nagpaakyat muna siya ng audience. He asked if she’s single and all ‘para makagawa tayo ng baby.'”


“Hindi ko lang navideohan. If nandito ka rin tonight, & may video ka, feel free 2 comment!” dagdag pang pahayag nito bilang paglilinaw ng post.


Agad namang naglabas ng samu't-saring komento ang mga netizens hinggil sa nasabing tweet at pinatunayan nilang totoo nakakabastos umano ang intro ni Michael Pangilinan.


"Idk ha but if u'r a lasallian na present sa event, hearing all that,,, di ba kayo na-cringe???

He asked naman kung legal age na yung student. And she's 22.

But still, those kind of remarks are not welcome in the univ!

Trying hard kasi magpatawa ei, sana kumanta ka na lang???"


Ipinunto naman ng ilan nakakabastos umano ito sa mga kababaihan lalo pa't National Women's Month pa naman.


"There's a lot of ways to have an opening speech before singing a song and Michael Pangilinan literally chose to disrespect women.

Happy Women's Month, I guess???"


Samantala, sa isang video na ibinahagi ng isang netizen makikita nga ang kabuuan ng intro ni Michael Pangilinan sa isang school event.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo