Paolo Contis, Nag-Reflect Sa Buhay: Inalala Ang Lahat Ng Kanyang Pagkakamali!

Huwebes, Marso 16, 2023

/ by Lovely


Sa mismong 39th birthday ng Kapuso actor na si Paolo Contis nitong March 14 hindi niya maiwasang magreflect sa kanyang kamalian na nagawa mula pa noon.


Aminado naman ang aktor na marami siyang pagkakamali at maling pagpapasya na nagawa sa kanyang buhay. Alam din umano niya na may pagkukulang siya lalong lalo na sa kanyang mga anak.


Sa isang panayam, isiniwalat ni Paolo na tahimik lamang siyang nagdiwang ng kanyang kaarawan. Inilista umano niya ang lahat ng kanyang mga pagkakamali.


May inilista din umano siyang mga hakbang upang maitama ang mga ito at maayos.


“No’ng birthday ko, buong araw tahimik ako. Nakaupo lang ako. Alam ko lahat ng naging mali ko. Alam ko kung anong dapat kong gawin para itama ‘yon. So, I think that’s a start,” pahayag ni Paolo.


Samantala, hindi naman idinitalye ni Paolo kung anong mga pagkakamali ang nais niyang ayusin at ituwid.


Mas pinili na lamang ng aktor na ipribado ang kanyang mga inilista sa publiko dahil hindi naman umano makakatulong ang mga ito sa pagbabago na nais niyang maganap sa kanyang buhay.


Matatandaang lumikha ng malaking ingay ang paghihiwalay nila ng partner na si LJ Reyes at kamakailan lamang ay pag-amin na sa tunay na relasyon nila ni Yen Santos, hindi na lamang “as a friend.”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo