Simpleng Buhay Noon Ni Liza Soberano Bago Sumikat!

Miyerkules, Marso 1, 2023

/ by Lovely


Naging mainit na usapin sa iba't-ibang entertainment sites ang mga binitawang pahayag ng aktres na si Liza Soberano sa kanyang inilabas na Youtube vlog.


Ayon kay Liza, isinakripisyo niya ang kanyang pagkabata at kalayaan upang ipakilala niya si Liza Soberano sa lahat. Ngayon naman ang nais ay gawin ang lahat ng gusto bilang si Hope Soberano.


Si Liza Soberano o Hope Elizabeth Soberano ay ipinanganak noong January 4,1998 sa Sta. Clara California. Isang Pilipino ang kanyang ama habang Amerikana naman ang kanyang ina.


Lumaki si Liza sa California kasama ng kanyang lolo at lola matapos maghiwalay ng kanyang mga magulang.


Umuwi si Liza sa Pilipinas nang siya ay nasa sampung taong gulang na. Kung saan nakasama na niya ang kanyang ama at iba pa niyang mga kaanak.


Sa edad na 12, unang inalok si Liza ng modeling career. Noong siya ay 13 years old ay naging manager na niya si Ogie Diaz.


Isang minor role sa isang episode ng Wansapanatym noong 2011 ang nagbigay daan kay Liza upang makikilala sa mundo ng showbiz.


Mula noon, si Liza na ang naging bread winner sa kanilang pamilya. Dahil sa sakripisyo at sipag ni Liza para sa kanyang pamilya nagbunga ang lahat dahil sa kanyang pagsikap sa pagsikat nila ng kanyang ka-loveteam na si Enrique Gil.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo