Boy Abunda Galit Na Galit Kay Liza Soberano Dahil Dito

Miyerkules, Marso 1, 2023

/ by Jerome

 

King of Talk na si Boy Abunda disappointed daw kay Liza Soberano, ito ang kanyang naging reaction matapos na mapanood ang vlog ni Liza sa social media account nito.


Kung matatandaan ay hindi lamang si Boy Abunda ang nagpahayag ng pagkadismaya sa nasabing vlog ng actress maging ang dating talent manager nga nito na si Ogie Diaz ay nag labas din ng kanyang saloobin.


Pati narin si Cristy Fermin ay hindi na rin nakapagtimpi pa at nakisali na deritsahan nga nitong sinabi sa kanyang pahayag na wala daw itong utang na loob.


Ayon naman kay Boy Abunda ay puwede naman daw siyang umalis sa dati niyang management na hindi nagpapakawala ng mga complaints.


Pero imbis na maging masaya sa naging takbo ng kanyang career na sumikat bilang artista, ay puno pa daw ito ngayon ng reklamo.


Sa nasabing vlog kasi ng actress ay nasabi niya na wala daw siyang voice at hindi daw siya nakakapag decide kung anu ang gusto niya dahil hindi naman daw siya tinatanong kung anu ang gusto niya.


Ayon pa kay Liza na tatlong derictor lang daw ang nakakatrabaho niya ng paulit-ulit.


Pero ayon naman kay Boy Abunda na tatlong director nga lang ang nakatrabaho niya pero lahat daw yon ay maituturong na best director ng ating bansa. 


Sana daw na imbes reklamo ang kanyang iniwan, ay sana nag-iwan daw ito ng pagmamahal at pasasalamat sa naging achievements niya bilang artista.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo