Liza Soberano Nakatikim Ng Salita Mula Kay Boy Abunda !

Miyerkules, Marso 1, 2023

/ by Jerome

 

Very disappointed nga daw itong si Boy Abunda sa actress na si Liza Soberano dahil hindi niya na gustohan ang vlog ni Liza na may pamagat na This is me vlog.


Sa vlog nga na ito ng actress inihayag ni Liza ang naging takbo daw ng kanyang showbiz career sa loob ng 13 years.


Dahil nga sa nasabing vlog ni Liza ay nagbigay ng sentyemento ang King of talk na si Boy Abunda,sabi niya, extremely disappointed nga daw ito sa naging vlog ni Liza.


Masakit daw pakinggan ang mga pahayag ng actress sa kanyang vlog, partikular na sa hindi niya daw pagkakaroon ng voice sa kanyang mga gustong gawin, dahil kahit kailan daw ay hindi siya hiningian ng kung ano ang gusto niyang gawin.


Buwelta naman ni Boy Abunda kay Liza, "For the last 13 years, yung hinangaan namin, hindi ikaw yun? Because you were saying in in your vlog na I had no say kung anong material, kung anong sasabihin ko, I don't know the intent, I don't know where she want to go."


"Kung rebonding lang ito, medyo masakit lang lalo na para sa aming mga manager."


Dagdag pa ni Boy Abunda, na ang masakit lang daw na katotohanan sa industriyang ito kapag sumikat na ang isang artista nababago na daw ang dynamics.


Pagpapayo naman ni Boy Abunda kay Liza, "You can proceed with your career, you can redirect your career, pero sana you can journey in gratitude."


"Sana baon mo ang pagpapasalamat sa lahat ng mga nangyari, sa mga taong dumaan sa buhay mo, at kasama mo because you are where you are today dahil sa mga taong tumulong."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo