Doble Din Kaya Ang TF Ni Kuya? Iisang Tao May Doble Exposure Sa Teleseryeng Ang Batang Quiapo!

Sunday, March 19, 2023

/ by Lovely


 Goodvibes ang dala ng isang videong ibinahagi ng isang netizens na kuha mula sa teleseryeng Ang Batang Quiapo.


Ibinahagi ng Facebook user na si “Phao Claravall Pineda” ang video matapos niyang mapansin ang isang talent na nasa magkasunod na eksena lamang, subalit tila ibang role ang kaniyang ginagampanan.


Base sa makikita sa videong ibinahagi ng nasabing Facebook user, mapapanood sa eksena na biglang pumasok sa loob ng isang bilyaran ang  galit na karakter ni John Estrada habang may hawak ng armalite. Makikita naman ang naturang talent na may suot na kulay asul na damit.



Subalit, paglabas ng karakter ni John sa labas ng bilyaran, makikita naman ang kaparehong talent na nakaupo at nakikipag-inuman. Ito ang napagdiskitahan ng karakter ni John.


Kapansin-pansing iisang tao lamang ito dahil sa kulay at disenyo ng damit, kahit na nilagyan ng balbas ang ikalawang paglabas nito.


“Why naman ganun Batang Quiapo? Wow magic eh. How much kaya talent fee ni Kuya. πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ #BatangQuiapo,” caption sa nasabing video.


Agad naman itong umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens na natatawa sa nasabing video.


"Ang talas Ng mata mo"


"kambal niya yon hahahahahahhaha"


"Hahaha nasira yung continuity dahil sa Improv Directing haha"


"Sumali na nga sa maraming tao, sis, para di masyadong halata, nakita mo pdin daw siya"



No comments

Post a Comment

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo