Rendon Labador Tiyak Na Tatapusin Ang Era Ni Coco Martin Sakaling Papasok Siya Sa Pag-aartista!

Linggo, Marso 19, 2023

/ by Lovely


 Muling umingay ang pangalan ng motivational speaker na si Rendon Labador matapos niyang magbahagi ng larawan ng envelop na mula umano sa content creator na ABS-CBN.


Ayon kay Rendon Labador, wala talaga siyang balak mag-artista dahil isa daw siyang negosyante. 


Gayunpaman, aniya kung ano man ang laman ng naturang envelop at matuloy kung ano man ang nasa loob ay siya daw ang tatapos sa era ni Coco Martin.


"May dumating na envelope sa office from the content creator ABS-CBN, ano kaya to? Ayaw kong mag artista kasi negosyante talaga ako at ayaw ko ng scripted as much as possible."


"Ang forte ko lang naman ay ipaglaban ang TAMA at i-boses ang mga mahihina, pero if ever na matutuloy kung ano man to… isa lang masasabi ko 'ako ang tatapos sa era ni Coco Martin',” caption ni Rendon sa ibinahagi niyang larawan ng envelop na natanggap mula sa ABS-CBN.


Agad na umani ng samu't saring komento ang nasabing post ni Rendon. Lalo na mula sa mga fans ng actor-director na si Coco Martin.


Kung saan sinabihan niyang tatapusin ang era.


"Salute ako sayu kasi sa dinami dami ng problema sa pilipinas eh nakuha mo pang dagdagan."


"busy daw pero dami time mag type."


"contrata yn lods bk kukunin kng artista sa bq.mabuti nga napansin mo ang quiapo wla tlg madaanan yung mga mamimili dhil daming usyusero sa shooting."


"Ay legit pala 'yan. Bakit 'di niyo po inaccept? Baka demand letter 'yan ah?"


"Isasali ka na sa batang quaipo kulang kse ung gugulpihin ni tanggol."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo