Korina Sanchez Naniniwalang Nagpropose Na Si Gerald Anderson Kay Julia Barretto!?

Linggo, Marso 19, 2023

/ by Lovely


 Malakas ang hinala ngayon ni Korina Sanchez na nakita na ng aktor na si Gerald Anderson ang kanyang The One sa katauhan ng aktres na si Julia Barretto.


Nakapanayam ni Korina Sanchez ang aktor sa kanyang show na Rated Korina.


Naitanong ni Korina kung nag-propose na ba si Gerald kay Julia at ang naging sagot ng aktor, sa halip na “Yes” or “No” ay, “She’s the one. You just know.”


Agad namang nagreact si Korina at sinabing parang proposal na rin ang sagot ni Gerald.


“Ang galing mo talaga,” sagot naman ni Gerald kay Korina.


Makikita naman sa mata ng aktor na talagang masaya siya ngayon sa piling ng kanyang girlfriend na si Julia Barretto.


Samantala, kilig na kilig naman ang kanilang mga fans sa isinagot ni Gerald. Hiling pa nila na sana ay totoo ngang nagpropose na ang aktor kay Julia Barretto.


"Gerald found peace and comfort with Julia. Very vocal din siya, at ramdam mo yung saya niya dito. He was never been this at peace and vocal nung  sila ni Bea."


"Ang laki ng ipinag bago ng ugali ni Gerald mula ng naging sila ni Julia, big influence talaga si Juju sa kanya. Nakuha nya yung pagiging positive thinker ni Julia at mga wisdom thoughts nya. Kya sila nagiging successful sa mga negosyo, mula ng naging sila na."


"Guwapo talaga ni Gerald kahit may balbas  bagay parin mas pogi nga lng pag wala nung sila pa ni Kim Chiu kaso need sa Movie at di tlaga maalis name ni Kim Chiu every interview nia kahit matagal na silang wala na"




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo