Paolo Contis Naglabas Ng Payo At Saloobin Tungkol Sa Mga Taong Manloloko!

Linggo, Marso 19, 2023

/ by Lovely


 Sa kamakailang episode ng Just In kung saan si Paolo Contis ang host, ibinahagi niya ang kanyang saloobin at mensahe para sa mga taong nanloloko.


Sa nasabing episode, nakasama ng aktor si Kiray Celis, kung saan napag-usapan ay tungkol sa love and relationship.


Nang ipakita ang larawan ng kasalukuyang nobyo ni Kiray na si Stephan Estopia, ibinunyag niyang nag-bonding sila noong una dahil pareho silang niloko ng kanilang mga partner.


Tila nagbago naman ang sitwasyon at si Kiray na ang nag-interview kay Paolo Contis. Naitanong ni Kiray kay Paolo kung may pagkakataon bang sinisi niya ang ibang tao sa kanyang fault.


Sagot ni Paolo, kailanman ay hindi niya sinisi ang ibang tao sa kanyang fault.


"Ako, to be honest, never akong nanisi sa mga mali ko. Ang sa akin lang, kung may ginawa kang masama, be man enough to admit it. Iresponsable na nga yung ginawa mo e... So, say sorry and then try to change for the better," prangkang sagot ni Paolo Contis.


Matatandaang na intriga si Paolo sa panloloko ng kanyang mga naging partner. Kamakailan lamang din ay inamin ni Paolo na totoong magkarelasyon sila ni Yen Santos na tinuturong third party sa hiwalayan nina Paolo at LJ.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo