Rendon Labador Sinabing Matigas Ang Mukha Ni Coco Martin!

Linggo, Marso 5, 2023

/ by Lovely


 Muling naglabas ng maanghang na pahayag ang motivational speaker at fitness coach na si Rendon Labado laban sa bida at direktor ng teleseryeng Ang Batang Quiapo.


Inalmahan ni Rendon Labador ang umano'y perwisyong naidudulot ng pag-shoot ng seryeng FPJ's Batang Quiapo dahil nagrereklamo na ang mga vendors.


Ipinunto ni Rendon na hindi dapat abalahin ni Coco Martin ang mga vendors na naghahanapbuhay sa Quiapo.


“Kung hindi mo babayaran lahat ng damages at losses sa pag gamit mo ng lugar, umalis-alis ka na diyan. Para sa PUBLIKO at MAMAYANG PILIPINO YAN! Ginawa mong pansarili mo lang? Hindi ka batang Quiapo, isa kang ‘anak ng tokwa’,” banat ni Rendon kay Coco Martin.


Agad namang umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens, marami ang sumang-ayon kay Rendon dahil iniisip lamang umano nito ang mga naghahanapbuhay sa Quiapo.


Subalit, marami rin ang nagtatanggol kay Tanggol at sinabing naiinggit lamang itong si Rendon Labador.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo