Toni Fowler Nilinaw Ang Isyung Natanggal Siya Sa FPJ's Ang Batang Quiapo Dahil Sa Kanyang Music Video!

Linggo, Marso 5, 2023

/ by Lovely


 Nilinaw na ng social media personality na si Toni Fowler ang isyung kaya hindi na nasundan ang kanyang eksena sa teleseryeng Ang Batang Quiapo dahil natanggal na umano siya matapos ang pagpapalabas niya ng malaswang music video ng MPL.


Aminado si Toni Fowler na inakala niyang tatanggalin siya sa teleserye dahil roon. Subalit nilinaw ni Toni Fowler na hindi siya natanggal sa teleserye at malapit na umanong mapanood ang kanyang eksena.


Isiwalat din niya sa kanyang mga followers na natapos na niya ang taping at antabayan na lamang ang pagpapalabas nito.


Bukod umano sa Batang Quiapo, hindi pa rin siya natatanggal bilang host sa Battle of YouTubers matapos ang lumabas na mga intriga kamakailan.


Matatandaan na kamakailan lamang ay binatikos si Toni Fowler matapos niyang inilabas sa kanyang Youtube Channel ang malaswang music video ng MPL.


Inalmahan ito ng mga magulang dahil napaka bold ng dating ng lyrics ng kanta at maging ang ipinakita sa music video.


Gayunpaman, may ilan pa ring humanga kay Toni Fowler dahil sa tapang nitong ihayag ang realidad na nangyayari ngayon.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo