Binash Noon Dahil Sa Charles & Keith "Bag," Brand Ambassador Na Ngayon Ng Charles & Keith!

Linggo, Marso 5, 2023

/ by Lovely


 Ang Pinay teen na si Zoe Gabriel, na-bash noon dahil sa pag-aari ng 'luxury brand bag' na Charles & Keith, ay isa nang brand ambassador ng nasabing brand.


Ibinahagi nang dalaga na nakabase sa Singapore, ang larawan ng kanyang sarili na nagpapakitang bahagi siya ng International Women's Day campaign ng nasabing brand.


Nakasuot siya ng classy dress na may hanggang tuhod na boots, na may hawak na purple version ng Alia bag.


"This International Women's Day, let us celebrate with compassion," pahayag niya sa caption ng kanyang post.


Matatandaang napaiyak si Zoe sa TikTok dahil sa mga batikos na natanggap niya sa pagtawag sa Charles & Keith bilang isang luxury bag.


Ipinaliwanag pa niya na bagama't hindi luxury para sa ilan ang naturang bag, ito ay isa na para sa kanilang pamilya.


Kung isasaalang-alang na ang kanyang ama ay kailangang magtrabaho nang husto at mag-ipon para lamang mabili siya ng bag. 



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo