Pag Nasa Bar Si James Reid Dati, Sa Landline Umano Tinatawagan Si Nadine Lustre!

Lunes, Marso 20, 2023

/ by Lovely


Muling nagkaroon ng commentary sina Cristy Fermin sa mga tsismis tungkol sa relasyon nina James Reid at Issa Pressman nitong Lunes sa episode ng Cristy Ferminute. 


Sa gitna ng nasabing diskusyon, ibinahagi ni Cristy ang sinabi sa kanya ng kanyang source kaugnay ng pagtrato ni James kay Nadine Lustre noong sila pa.


“May nagkwento nga sa akin, tumawag ang isang kaibigan ko na taga-showbiz din. Alam mo ba ang ginagawa ni James Reid kay Nadine?"


"Pagka mayroon siyang ginagawa, lumalabas siya, nagba-bar, siguro kasama itong si Issa... alam mo ginagawa, 'You stay home. Tatawag ako through your landline.',” pagbabahagi ni Cristy Fermin.


Dito, inilabas na ni Cristy Fermin ang kanyang saloobin hinggil sa ginagawa ni James na pagtawag sa landline kay Nadine sa tuwing nasa bar ito.


“E kasi nga naman kung sa cellphone, baka mamaya nakalabas na si Nadine at tinutugaygayan sila. Sa landline siya tumatawag,” pahayag ni Cristy. 


“Ganu'n pala ginagawa nitong James Reid na 'to,” dagdag pa nito.


Ayon naman kay Romel na minamanipula pala ni James noon si Nadine.


“Ay, minamanipula niya si Nadine dati. Kaya naman pala 'tong si Nadine, sa sobrang kabaitan din, oo lang nang oo.”


“Nakita mo naman, ang ganda-ganda ng ganti ng kapalaran sa kanya,” sagot naman ni Cristy kay Romel. 


“Karera, napakaganda ng takbo. Nag-best actress pa. Maligaya kay Christoph Bariou ngayon, isang tao na naiintintihan ang kanyang kaakuhan at ang kanyang karera. Maligaya ngayon si Nadine,” pagpupunto pa ni Cristy Fermin. 




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo