Ellen Adarna Nagreact Sa Pahayag Ni Bretman Rocks Sa Pang-aagaw Niya Kay Derek Ramsay!

Lunes, Marso 20, 2023

/ by Lovely


 Agad na sinagot ng aktres na si Ellen Adarna ang pabirong remark ni Bretman Rock hinggil sa pang-aagaw umano niya sa lalaki nitong si Derek Ramsay.


Sa isang kamakailang post sa Instagram, ibinahagi ni Ellen ang isang video message na natanggap niya mula kay Bretman. 


Sinabi ng social media star na mahal niya si Ellen kahit ninakaw nito si Derek. Ipinakita niya kung paano siya kakain sa bahay ni Derek if ever na imbitahan siya nito.


“Hi, Ms. Ellen! It is me, Bretman Rock. I love you so  f****** much even though you stole my man. I’m just kidding,” pahayag ni Bretman.


Ipinakita pa niya ang parehong design ng kuko bilang Ellen, na gawa ng nail stylist na si Mimi Qiu Reyes, na gumagawa ng mga kuko ng maraming celebrity.


Sa caption ibinahagi ni Ellen Adarna ang isang fangirl caption sa kanyang post. Pabiro rin niyang sinabi na si Derek ang kanyang i-serve para kay Bretman.


“Sooo.. as a fan girl – i feel like the baddest b**ch as* fan right now!!! Ahhhhhh ahahahahah im a winner. Winner winner chicken imma serve you my husband for dinner,” caption ni Ellen.


Ikinatuwa ng mga netizens ang post na ito na ibinahagi ni Ellen. 


“No Other Woman dinner scene,” komento ng isang netizen na tinutukoy ang pelikula ni Derek noong 2011 kasama sina Cristine Reyes at Anne Curtis. 


May mga netizens din na nagsabing hinihintay nilang mangyari ang dinner na ito.


"Hahahhahaa can't wait for the real Dinner..kabibo nalng gyud."


"What’s for dinner?

Derek + seaweed soon "


Sinagot naman ito ni Bretman at pabirong sinabi na inagaw ni Ellen ang kanyang lalaki na niyang si Derek Ramsay.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo