Netizens May Napansin Kay Enrique Gil Sa Ipinamigay Nitong Tulong Sa Publiko!! Alamin

Lunes, Marso 20, 2023

/ by Jerome


Sampung araw nalang ay 31st birthday na actor na si Enrique Gil at bilang pagbibigay ng blessing sa iba ay nagsagawa siya ng isang charity work.


Pero may napansin ang ibang mga netizens sa mga ipinamahagi ng sikat na actor.


Spotted ang actor na namimigay ng pera sa ilang mga kababayan sa Pastolan, at makikitang masaya ang mga ito sa natanggap nila mula sa actor.


Bukod pa rito ang kahalong kilig na makita ang isang artista na si Enrique Gil.


Sa videong ibinahagi ni Jholina Rodriguez Abraham sa Facebook ay makikitang masayang-masaya ang actor, na nakakapagbahagi siya ng blessing sa iba habang siya ay makikitang napapalibutan ng iba pa nating mga kababayan.


Ngunit ang ginawang kabutihan na ito ni Enrique ay tila kinikwestyon ng ibang mga netizens ng mapansin nila kung anu ang ipinamimigay ng actor.


Sabi ng isa, "100 Pesos?" ito ang tila pagque-question ng isang netizen ng makitang 100 Pesos ang hawak ng actor na ipinamimigay sa mga tao.


Sabi naman ng isa na tila daw ay galawang pang eleksyon ang ginawang pamamahagi ng actor ng teg 100 pesos.


Pero agad naman ipinagtanggol si Enrique ng kanyang mga tagahanga at ng ibang mga netizens.


Dahil sabi nila na ganyan talaga ang gawain ng actor sa tuwing malapit na ang kanyang kaarawan ang magbahagi ng tulong sa iba.


Sabi pa ng isa na ang mahalaga daw ay tumutulong siya sa mga kababayan niya sa abot ng kanyang makakaya.


Dahil nga sa issue na ito ay madami ang nagtatanong kung balak na ba daw ng actor na pasukin ag mundo ng pulitika sa mga susunod na panahon.


Lalo na at matagal na daw siyang nakapahinga sa showbiz at wala narin daw mga proyekto.


Samantala binatikos naman ng mga tagahanga ng actor ang isang netizen na tila na nguwestyon sa kabutihang dala ng actor. 


Sabi ng mga ito, "Eh anu kung 100 lang? Ikaw ba kaya mamigay ng 100?"


"Charity work kasi malapit na birthday niya, ganyan naman siya noon pa pag malapit na birthday niya."


"Oo 100 lang kasi galing sa bulsa niya yan hindi katulad sa ibang mga pulitiko na galing sa kaban ng bayan, tapos penupursentuhan pa. yes fan niya ako mabuting tao siya yun lang masasabi ko."


"So what? At least tumulong siya at mukhang di naman reklamador tulad mo yong mga nandun"






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo