Pokwang Ipinagdadamot Kay Lee O'Brian Ang Kanilang Anak Na Si Malia!

Lunes, Marso 20, 2023

/ by Lovely


 Matapos ang sunod-sunod na banat ni Pokwang laban sa kanyang dating kinakasama na si Lee O'Brian naitanong ng isang netizens kung pinapayagan pa ba  nitong mabisita man lamang ni Lee si Malia.


Sa isang social media post ng komedyanteng si Pokwang, may isang netizens na naglakas loob at magtanong kung may visitation rights man lamang ba si Lee sa anak nilang si Malia.


O kung pinapayagan pa ba ng komedyanang magkita ang dalawa o mahiram man lamang ang anak kahit saglit?


“Mamang. Wala na ba sya visitation rights? Or not allowing him na hiramin si tisay Ganda?”


Hindi naman naging maramot sa impormasyon si Pokwang at hayagang sinagot ang commenter.


Ayon kay Pokwang ay wala at inamin niyang hindi rin siya papayag.


“Ayoko po, nope! Hahahahaha anakan.”


Matatandaan na kamakailan lamang ay hayagang inamin ni Pokwang na inaasikaso na niya ang mga kakailanganin sa pagpapalit ng apilyedo ni Malia at tatanggalin na ang apilyedo ng amang O'Brian.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo