Xian Gaza Inaming Nakipag-chismisan Kina Flow G., Pastillas Girl at Skusta Clee! Tungkol Kay Zeinab Harake!

Lunes, Marso 20, 2023

/ by Lovely


 Ibinahagi ng self proclaimed lalaking Pambansang Marites na si Xian Gaza na naghang-out sila kamakailan nina Flow G., Pastillas Girl at Skusta Clee sa ibang bansa.


Sa larawang ibinahagi nito makikitang nag-iinuman pa sila. Hindi rin naman siya naging maramot sa impormasyon dahil isiniwalat din niya na ang paksa sa kanilang usapan ay walang iba kundi ang dating kinakasama  ni Skusta Clee na si Zeinab Harake.


Ayon umano kay Angelica Yap aka Pastillas Girl na sobrang bait na tao ni Zeinab at wala umano siyang masasabing masama rito.


Ipinunto naman ni Flow G. kung gaano kalakas ang pagpipigil ni Skusta Clee na huwag patulan ang mga sinasabi umano ni Zeinab at mga netizens na paninira laban sa kanya.


Ipinaliwanag naman ni Skusta na wala siya sa posisyong magalit kay Zeinab dahil ito pa rin ang ina ng kanyang ina na labis na niyang namimiss ngayon.


Aminado din naman umano si Skusta Clee na may nagawa siyang pagkakamali noon kay Zeinab.


“Banat naman ni Skusta eh syempre kailangan niyang respetuhin yung ina ng bata. Siya na nga daw yung nagkasala eh alangan namang siya pa yung mambalahura? Miss na miss na miss na daw niya si Bia pero tanggap niya na ito'y consequence ng mga nagawa niyang kasalanan."


Sa huli, hiling ni Xian na muling magkakaayos ang dating magkaibigan at siya ang magiging tulay upang mangyari ito.


"’Sa totoo lang, wala namang sinasabing masama si Zeinab tungkol sa inyong tatlo. Hindi namin kayo napag-uusapan.’ Sana ako yung maging tulay para magkaroon ng forgiveness and healing yung bawat isa. Para sa peace of mind na rin ng lahat."


"Hindi niyo kailangang magbalikan. Ang kailangan niyo lang ay kapayapaan. Hindi ka man naging mabuting asawa kagaya ko eh sana mabigyan ka ng pagkakataon na maging mabuting ama at kung sakali man eh huwag na huwag mo itong sasayangin,” pahayag ni Xian Gaza.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo