Nagsalita Na! Director Olivia Lamasan Inamin Kung Bakit Di Napunta Sa LizQuen Ang Pelikulang Hello Love Goodbye!

Martes, Marso 7, 2023

/ by Lovely


 Matapos ang mga binitiwang rebelasyon ng aktres na si Liza Soberano sa vlog ng Kapuso actress na si Bea Alonzo, muling binalikan ng mga netizens ang panayam noon ng direktor na si Olivia Lamasan kung paanong sina Kathryn at Alden ang gumanap sa pelikula.


Sunod-sunod ang mga ginawang pasabog ngayon ng aktres na si Liza Soberano mula nang inilabas niya ang kanyang This Is Me vlog.


Matatandaan na isa sa mga pinanghihinayangan umano ni Liza ay ang pagkakulong sa kanya sa de kahong loveteam na LizQuen.


Isiniwalat naman ng aktres kamakailan na unang inoffer sa kanila ni Enrique ang Hello Love Goodbye, pero dahil may nauna pa silang proyekto ay pinaghintay niya muna ito.


Subalit, nabalitaan na lamang umano niya na ang pelikula ay inoffer na kay Kathryn kung saan ang leading man nito ay si Enrique na kasalukuyan niyang loveteam noon.


Inamin niyang natakot siya sakaling tanggapin ito ni Enrique dahil sila daw ang loveteam. Hindi nga nagtagal ay napunta na kina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang projects.


Samantala, binalikan ng ilang mga netizens ang paglilinaw noon ni Direk Olivia Lamasan sa totoong nangyari at kung bakit napunta kina Kathryn at Alden ang pelikula.


Ayon kay Olivia, original na inilaan ang project sa isang Kapamilya loveteam at hindi talaga para kina Alden at Kathryn.


Sa nakaraang panayam sa Toni Talk ni Olivia, inamin niya na sina Enrique Gil at Liza Soberano talaga ang pinaglalaanan ng pelikulang Hello, Love, Goodbye.


Subalit isa rin sa pinagpipiliian nila si Kathryn Bernardo, Daniel Padilla at Alden Richards.


Paglilinaw pa niya na kaya napunta kina Kathryn at Alden ang pelikula dahil busy umano ang LizQuen sa teleseryeng Bagani.


Subalit ang kapansin-pansin sa mga pagsisiwalat ng direktor, kung busy sina LizQuen, bakit inoffer pa rin kay Enrique ang role bago pa kina Daniel Padilla at Alden Richards gayung magkasama naman silang dalawa sa Bagani?




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo