Eat Bulaga Nakawala Na Sa Tape Inc Sharon Cuneta Kasama Sa Paglipat Ng Eat Bulaga Sa Bagong Channel!

Martes, Marso 7, 2023

/ by Lovely


 May panibago na namang update hinggil sa internal conflict na nagaganap umano sa pagitang ng Eat Bulaga at TAPE Incorporated.


Ayon sa aming nakalap na impormasyon tuluyan nang nakawala ang Eat Bulaga sa pamamahala ng mga Jalosjos ang namamahala sa TAPE Incorporated.


Hindi na umano konektado ngayon ng TAPE ang APT Entertainment na siyang producer ng Eat Bulaga.


Ayon pa sa aming nakalap na mga chika, kasalukuyang nakikipagnegosasyon sina Antonio P. Tuviera at main hosts ng Eat Bulaga na TVJ sa pamunuan ng Net25.


Tila sa Net25 nila ililipat ang kanilang show na Eat Bulaga dahil may kanya-kanya naman na silang show roon.


Matatandaan na unang inihayag ni Tito Sotto na si kay Joey De Leon ang credits ng pangalang Eat Bulaga, habang si Vic naman ang sumulat ng lyrics sa kanilang jinggle kaya naman sakaling magreresign sila ay madadala nila ang pangalan ng show.


Usap-usapan rin na maging si Sharon Cuneta ay kinausap na rin ni Tito Sen na makakasama sa kanilang paglipat sa Net25.


 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo