Nadine Lustre Susubukan Na!

Miyerkules, Marso 1, 2023

/ by Jerome

 

Naglabas na nga ng pasilip ang actress na si Nadine Lustre para sa kanyang kauna-unahang YouTube vlog at ito ay ibinandera niya mismo sa kanyang Instagram account.


Makikita nga sa Instagram post niya ang isang throwback video na kung saan ay bata pa siya at mga 6years old pa lamang siya.


Makikita din sa naturang video na kahit hindi panga uso ang youtube vlogging noon ay tila mala vlogger na ang kanyang galawan.


Naibahagi din ng actress na sa murang edad ay pinasok na niya ang mundo ng showbiz, na kung saan ay ipinakita niya ang ilan sa mga larawan ng kanyang taping noon para sa isang commercial.


Halatang-halata naman na proud na proud nga si Nadine sa throwback video at caption pa niya dito "training for this since ‘99" 


Kamakailan nga ay ibinahagi ni Nadine sa kanyang social media account na pinasok na niya ang mundo ng vlogging, at sinabi pa niya na excited na daw siya sa bago niyang pagkakaabalahan.


Nanghingi pa nga ito ng sugestion para sa content ng kanyang vlog. ngayon nga ay naka upload ang intro video ng actress sa kanyang YouTube channel, at ang kanyang account naman ay humahakot na ng mga 40thousands plus,na mga subscriber.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo