Liza Soberano Biglang Kumambyo Liza Na Lang Daw Itawag Sa Kanya Dahil Mas Kilala Siya Roon!

Miyerkules, Marso 1, 2023

/ by Lovely


 Tila natauhan umano ngayon ang aktres na si Liza Soberano sa kanyang mga binitiwang pahayag sa kanyang vlog tungkol sa rebranding ng kanyang sarili bilang si Hope Soberano.


Matatandaan na sa kanyang vlog ninais ng aktres na tawagin siyang Hope dahil tapos na umano siya sa pagpapakilala kay Liza Soberano nais naman niyang masunod ang gusto bilang si Hope Soberano.


“I’ve sacrificed my childhood, my freedom, and my happiness to present Liza Soberano to the world. I think that I’ve earned the right to finally be me, to finally be able to do things for me, as Hope Soberano.”


Subalit sa isang panayam kamakailan ay tinanong sa kanya ng reporter kung ano ba dapat ang i-address sa kanya Liza ba o Hope.


Sagot ng aktres, "Call me Liza. I'm better known at work as Liza.’”


Ipinahayag din ng aktres ang kanyang pasasalamat sa dati niyang network at management dahil ito ang naging daan upang maabot niya ang kasikatang tinatamasa niya ngayon.


“I just want to say that I’m grateful for everything that I have achieved. Everything that I have experienced in life. Every time I have a chance, I always say how thankful I am to everybody that has been a part of my journey and my life,” dagdag pa niya.


Napansin naman ng ilang mga netizens na napakalayo umano ng pahayag na ito ni Liza sa unang binitawan niya sa kanyang vlog.


Kung saan ipinahayag niya na wala siya kalayaan at ginawa lamang ang kung anong ipinapagawa sa kanya. Ni hindi man lamang umano siya hiningan ng inputs tungkol sa mga gagawing projects.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo