Mystica, Lalong Naghihinagpis Dahil Hindi Makakasama Ang Anak Sa Huling Mga Araw Ng Anak!

Martes, Marso 28, 2023

/ by Lovely


 Sinabi ng aktres na si Mystica na hindi niya maitago ang lungkot na hindi niya nakasama ang anak na si Stanley Villanueva sa mga huling araw ng buhay nito.


Sa kanyang post, ipinahayag ng aktres na kasalukuyang nasa US na ang tanging magagawa lamang niya ay ang magpadala ng mga flowers para rito.


“Hanggang sa bulaklak nalang ang simbolo ng presence ko, ang sakit. Hindi man lang kita makasama kahit sa huling sandali man lang, bago ka tuluyang mawala.”


“Kahit sabihin man nila na ‘wag kang umiyak’ at ‘kaya mo yan diba palaban ka, warrior ka’ oo warrior ako pero eto ‘yung pinakamahirap labanan ‘yung stress na nararamdaman ko ngayon."


"Ikaw lang ‘yung tangi kong inspirasyon noon na kahit anong sabihin ng tao ay gagawin ko para lang maipakita sa’yo na kaya ko, mapasaya lang kita, maibigay ko lang ‘yung mga pangangailangan mo,” pahayag ni Mystica sa kanyang post.


Matatandaan na unang ipinahayag ni Mystica na ang dahilan umano ng pagpanaw ng kanyang anak ay dahil may nanggigipit rito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo