Jormiel Labador Nagbigay Ng Advice Kay Rendon Labador!

Martes, Marso 28, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay ng kanyang saloobin ang influencer na si Jormiel Labador matapos magpasya ang kanyang kapatid na si Rendon Labador na isara na lamang ang kanyang bagong bukas na restaurant matapos mabigong magbenta ng mga ticket sa grand opening nito.


Matatandaang sinabi ni Rendon na nalugi siya ng 1.2-M dahil walang bumili ng ticket para sa grand opening ng Episode Bar + Kitchen sa Pampanga.


Sa kabila nito, hindi pa rin nagpatinag si Rendon at kinoll-out pa ang mga tagahanga ni Martin at sinabihang hindi kayang bayaran ng mga ito ang tiket sa kanyang restaurant.


Sa isang video, sinabi ni Jormiel kay Rendon na walang susuporta sa kanyang mga negosyo kung patuloy siyang magsasabi ng masama sa mga tao at sikat na tao kabilang na si Coco Martin.


“Medyo sablay ‘yung post, parang imbis na kunin mo ‘yung loob ng mga tao eh parang nagyayabang ka pa,” saad ni Jormiel.


“‘Yung ginawa niya, parang yumabang nanaman. Paano ka susuportahan ng tao kung ganyan mga sinasabi mo, sinasabi mo na wala silang pera."


"Hindi naman lahat ng tao ay may pera eh, may mga pera yan ayaw ka lang sigurong suportahan dahil yang mga ginagawa mo tol, baguhin mo yan," pagpapayo pa nito sa kanyang utol.


“Paano lalakas ang business mo. Ako support ako, nakita mo na nakabihis ako ngayon kakain sana ako pero sarado daw eh. Wag mong tatawaging palamunin ‘yung mga tao kasi hindi lahat ng tao eh kayang tanggapin ‘yung mga sinasabi mo. Imbis na i-motivate mo, wala eh parang dina-down mo pa.”


Sinabi ng supervisor ng restaurant na isa sa mga dahilan kung bakit napagdesisyunan nilang isara ang kanilang negosyo ay dahil nabigo silang magbenta ng ticket.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo