Marc Pingris, Nagbigay Ng Mensahe Kay La Tenorio!

Martes, Marso 21, 2023

/ by Lovely


 Nagpahayag ng pagsuporta ang PBA player na si Marc Pingris sa kapwa basketbolista na si LA Tenorio matapos nitong inamin ang pagkaka-diagnose niya ng Stage 3 colon cancer.


Sa isang Facebook post, ipinahayag ni Marc ang kanyang pagsuporta sa kanyang nakakalarong basketbolista.


“Dasal lang tol, kaya yan! Ikaw pa ang lakas mo na tao. Kaya ka nga #ironman eh. Dito lang kami tol, madami nagmamahal sayo at nag dadasal!! Pagaling at palakas ka L.A. Tenorio!! See you soon sa laro ng PBA!” pahayag ng basketball player.


Si La Tenorio ay nasa 17 years nang PBA player, matagal na panahon na ring naglalaro sa national team ng bansa na ‘Gilas Pilipinas’. 


Nakasama naman niya si Marc Pingris sa paglalaro laban sa ibang bansa.


Agad namang  umani ng iba pang mensahe ng pagpapagaling mula sa mga basketball fans.


"kaya mo yan LA TENORIO alm ng mga fans m kng gaano k kalakas bsta dasal lng at tiwala s diyos gagaling k isipin m pg subok lng yn.."


"I Pray for your fast recovery. Get well soon."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo