Lalaki Ni Kylie Padilla Ipinakilala Na?

Huwebes, Marso 2, 2023

/ by Lovely


 Hanggang ngayon ay hindi pa rin ipinakilala ng aktres na si Kylie Padilla ang bagong lalaki sa kanyang buhay.


Kaya naman nagkaroon na ang ilang mga netizens ng kani-kanilang mga hula kung sino ba talaga ang lalaki sa buhay ngayon ni Kylie.


May ilang netizens na itinuturong lalaki ni Kylie ay isang tattoo artist na si Jinno John Simon at ito umano ang naging dahilan ng hiwalayan nila ni Aljur Abrenica.


Matatandaan na noong kasagsagan ng hiwalayan isyu ng dalawa sinabi ni Aljur sa isang post na si Kylie ang unang nagloko kaya naghiwalay sila.


Samantala sa isang showbiz vlog ng talent manager na si Ogie Diaz, binanggit niya ang mga ispekulasyon na kumakalat online tungkol kay Jinno.


“Kung hindi si JM de Guzman, ang itinuturo namang third party sa side ni Kylie ‘yung pinag papatattoo-han niyang may-ari ng Vimana Tattoo [na] si Jinno John Simon na nasangkot sa isang issue ng pambubugbog [sa] Grab driver noong 2018,” pahayag ni Ogie Diaz.


Gayunpaman, nanatili pa ring tikom ang bibig ni Kylie Padilla sa mga espekulasyon kung sino ang kanyang bagong boyfriend.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo