Maegan Aguilar, Muling Naglabas Ng Hinanakit Kay Sen. Raffy Tulfo!

Huwebes, Marso 9, 2023

/ by Jerome

 

Usap-usapan ngayon sa social media ang mga bagong inilabas na saloobin ng dating singer at anak ni Freddie Aguilar na si Maegan Aguilar.


Kung saan ay nagbigay nga ito ng mensahe sa mga netizens na hindi naniniwala sa kanya at para din kay Senator Raffy Tulfo na iniatras ang kanyang tulong financial ng magpositibo siya sa Drug Test.


Mula nga ng humingi ng tulong si Maegan sa ama niya ay naging usap-usapan na ito sa publiko, lalo na ng dumulog na ito sa programa ni Senator Raffy Tulfo na Raffy Tulfo in Action.


Kinaawaan ng Senador si Maegan sa kanyang sitwasyon dahil maging ang ama nitong si Freddie Aguilar ay hindi na siya pinakikinggan at pinagtabuyan na.


Kaya naman nangako si Senador Raffy na magbibigay ito ng tulong financial, bahay, pangkabuhayan at maging sasakyan, para sa tuluyang pagbabago ng buhay ng dating sikat na mang-aawit.


Subalit may kondisyon ang Senador para kay Maegan bago niya ibigay ang kanyang mga ipinangakong tulong, upang ng sa ganon ay hindi masayang ang kanyang ibibigay na tulong kay Maegan.


Ito ay ang pagpapa drugtest kay Maegan upang malaman kung totoo na ba itong nagbago, ngunit sa kasamaang palad ay nagpositibo ito sa isinagawang drugtest kaya binawi ng Senador ang kanyang tulong.


Pero hindi naman niya ito binitiwan agad sa halip ay pinayuhan niya pa muna ito na magparehab at kapagka daw tuloyan na itong gumaling ay saka na niya tutuparin ang kanyang mga naipangako.


Pero na galit si Maegan dahil dito at naglabas siya ng sama ng loob sa Senador at sa mga taong hindi daw naniniwala sa kanya.


Sabi niya sa kanyang post, "Binuhos ng mga taong naniniwala sa akin ang hindi kayang ibigay ni Tulfo, anyway sayo na ang pera mo I don't need your help."


"If anything I need counseling, listening ears, shoulder to cry on that's what I need. Anyway thank you to all your love and support that I received."


"Thank you na hati hindi kayo lahat sang-ayon doon sa taong manggagamit, manggagamit para sa content lang at wala ng iba." 


Sa ngayon ay wala pang inilalabas na pahayag ang kampo ng Raffy Tulfo in Action ukol dito. 





 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo