Liza Soberano at Nadine Lustre Nagkakainitan Na? Tuloy-Tuloy Ang Pagkukumpara!

Huwebes, Marso 9, 2023

/ by Lovely


Mainit pa rin ngayon pinag-uusapan sa ilang mga social media platforms ang mga aktres na sina Liza Soberano at Nadine Lustre.


Marami rin ang nagkukumpara sa dalawa kung sino ang mas kahanga-hanga at kung sino ang mas mabait sa kanilang dalawa.


Ayon sa mga fans ni Nadine, kailanman ay hindi ito mapapantayan ni Liza Soberano dahil milya-milya na umano ang layo sa pagitan nilang dalawa.


Samantala, patuloy pa rin ang pambabatikos na natatanggap ngayon ni Liza kasunod nang mga binitiwan niyang mga pahayag  sa kanyang vlog at sa vlog ng Kapuso actress Bea Alonzo.


Naikumpara pa ito sa inilabas ding vlog ni Nadine tungkol sa kanyang sarili kung saan ni wala umano itong naging reklamo sa mga pinagdaanan sa showbiz bagkus ay very grateful pa ito.


Maging ang magkasalungat na paniniwala nina Nadine Lustre at Liza Soberano sa pagkakaroon ng loveteam ay binalikan rin ng ilan.


Ayon kay Nadine na malaki ang naitutulong ng pagkakaroon ng loveteam dahil dalawa kayong nagtutulungan upang magkaroon ng fan base at sabay rin kayong natutuo at naggo-grow.


Subalit ayon kay Liza na ang pagkakaroon ng loveteam ay isang paraan upang makahon ang isang artista at malimitahan ang pakikipag-collab nito sa ibang mga artists.


Samantala, ayon naman sa ilang netizens na hindi naman nararapat na ipagkumpara ang dalawa dahil magkaiba naman sila ng career path na tinatahak ngayon.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo