Ruru Madrid Naniniwalang Hindi Matatanggal Ang Lengendary TVJ sa Eat Bulaga!

Huwebes, Marso 9, 2023

/ by Lovely


 Naniniwala ang Kapuso actor at co-host na si Ruru Madrid na hindi magiging pareho ang longest-running noontime show na Eat Bulaga kung wala na rito ang legendary trio na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon, na kilala rin bilang TVJ.


Si Ruru ay naging bahagi ng Kapuso noontime show mula noong nakaraang taon. Isa rin siya mga bagong host ng Eat Bulaga kasama ng kanyang girlfriend na si Bianca Umali. 


Sa mga nakaraang episode, hindi nakasali si Ruru sa show dahil nagsu-shooting siya para sa seryeng The Write One.


Gayunpaman, nakarating umano sa aktor ang bali-balitang magkakaroon ng rebranding ang show at tatanggalin ang TVJ sa Eat Bulaga.


“‘Yun nga, eh. Actually, nakakaano rin po. Parang kahit papa’no, medyo nakakabalisa rin. Na napapaisip ka na parang hindi mo alam kung ano ang mangyayari,” saad ni Ruru Madrid.


Sa gitna ng mga isyu, naniniwala pa rin si Ruru na malalampasan ng palabas ang mga kamakailang isyu. Binigyang-diin niya na para ito sa mga masugid na manonood ng palabas at hindi lang ito para sa kanila na mga host.


“Simula noong bata ako, nanonood ako ng Eat Bulaga, nandoon na po sila, so, I don’t think magi­ging Eat Bulaga pa rin siya nang walang TVJ,” saad pa ni RuRu Madrid.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo