Lovie Poe May Mensahe Kay Ping Medina/Bakit Naman Ganito Ginawa Mo?

Huwebes, Marso 30, 2023

/ by Jerome

 


Nagviral at marami ang natuwa sa ibinahaging post ng actress na si Lovi Poe sa kanyang Instagram account.


Tinag pa niya sa nasabing post ang actor na si Ping Medina na gumanap bilang kuya niya sa serye ng FPJ's Batang Quiapo.


Habang ang actress na si Lovi Poe naman ay gumanap bilang si Mokang na nakakabatang kapatid ni Ping Medina sa nasabing serye.


Makikita kasi sa post ng actress ang tarpaulin ng kanyang Debut na pina gawa ng kanyang Kuya sa serye ng Batang Quiapo.


 Na ayon naman sa caption ng actress sa kanyang post ay Birthday daw di umano niya bakit daw tila ang ipinagawang tarpaulin ng kanyang kuya ay parang siya ay Papanaw na.


Caption niya, "Kuya @pingmedina, birthday ko kasi diba? Bakit naman parang kukunin ako ni Lord nito? Sa langit ba debut ko? LOL 😂 #FPJsBatangQuiapo"


Tinugonan naman agad ni Ping Medina ang post na ito ng actress, sagot nito, "Maligayang 40th day Mokang 🙏😇"


Kaya naman maraming mga netizens ang natuwa sa post na ito ng actress kabilang na nga dito ang ilang celebrities tulad nina Zsa zsa Padilla, Yasmien Kurdi, at  Lara Quigaman na napa komento sa nasabing post ng actress.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo