Ina Ni Charice Pempengco Dumipensa Hindi Raw Siya Bitter!

Huwebes, Marso 30, 2023

/ by Lovely


 Ibinahagi ni Raquel Pempengco, ang ina ng international singer na si Charice Pempengco ang isang video na kinukumpara ang performance ng kanyang anak sa Asia's Phoenix Morisette Amon.


Sa nasabing video, makikita na kinakanta ni Morisette ang ‘I have nothing’, isang kantang orihinal na inawit ni Whitney Houston.


Ang video pagkatapos ay lumipat sa pagganap ni Charice sa parehong kanta.


Mababasa naman sa comment section ng video ang ilang saloobin ng mga netizens at sinabing mas maganda ang performance ni Charice kaysa kay Morisette.


"Siguro pinakamagaling na version ni mori yan ngayon, pero iba talaga si charice huhuhuhu sobrang galing. Kung di sya nagstop mala beyonce, selena gomez nasya grabe"


"for me lang ha, Charice d best iba ung timbre nya dito, Morisette magaling din naman talaga pero may bina bagayan voice nya, may Malat effect voice nya kaya ganun siguro"


Sa caption naman ni Raquel ipinunto niyang hindi siya ang gumawa ng video at makikita naman sa komento na mas magaling talaga si Charice kaya hindi siya bitter at nagsasabi lamang ng totoo.


“Hinde ako gumawa nito ha…share ko lang. ..See all the comments there…baka sabihin ako lang ang bitter at di mka move on…were just talking and comparing the past and the present there,” pahayag ng ina ni Charice sa caption.



Dagdag pa niya, “Their opinions and comments are based on what they hear and watch…Anyway…Thanks to all my BASHERS at trending ako ngayon.”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo