Episode Bar + Kitchen Restaurant Ni Rendon Labador Inulan Ng Mga Negative Reviews Ng Mga Fans Ni Coco Matin!

Huwebes, Marso 30, 2023

/ by Lovely


 Ang bagong bukas at pansamantalang nagsara na restaurant ng social media personality at motivitional speaker na si Rendon Labador na Episode Bar + Kitchen ay dinagsa ng mga negatibong review mula sa mga netizens.


Binibigyan din nila ito ng lowest rating possible.


Matatandaan na tinatawag ni Rendon Labador ang kanyang restaurant bilang ‘number one’ sa Pilipinas, kabaligtaran naman ang sinabi ng ilang review na ginawa ng netizens.


Sa ngayon ang Facebook page ng Episode Bar + Kitchen ay nakatanggap ng 129 review na may 1.1 rating lamang.


Narito ang ilan lamang sa negative reviews ng mga netizens sa restaurant ni Rendon Labador.


"very expensive and not worth it"


"Owner aren’t customer friendly."


"Rude owner. I do not recommend"


"di masarap lasang tanga 🙁

yung lugar mukhang bodega. di maayos yung ceiling at di naka tiles yung floor. not worth it yung price. madaming magagandang ambience at masarap na restaurant lalo sa QC (buffet pa). yun ang mairerecommend ko sa inyo"


Samantala, pansamantalang nakasarado ngayon ang negosyo ni Rendon Labador matapos ang dalawang araw nang grand opening nito.


Nangangako naman si Rendon na muli siyang babalik ng mas malakas pa, subalit marami ngayon ang nagsasabi na hindi na makakabalik pa sa Rendon dahil sa pagiging mapagmataas nito.


Matatandaan na sa kabila ng pagkalugi hindi pa rin humingi ng paumanhin si Rendon sa aktor na si Coco Martin sa mga masasakit na salitang ipinahayag rito.


Bagkus maging ang mga fans ng aktor ay binanatan pa nito.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo